Quantcast
Channel: Opinyon – Philippine Collegian
Viewing all articles
Browse latest Browse all 103

Pendulum

$
0
0

Melting Point

Warren Ragasa

Alas nuebe. Wala na ring point kung mag-aapura sa paglakad. Pagpapawisan lang akong lalo. Now I must walk with all my tikas at tigas ng mukha.

Ewan ko ba kung paano ako nagtagal sa Engineering nang tatlong taon kahit na madalas akong late sa maraming bagay—pagpila sa enrollment, pagbayad ng tuition, pagpasok sa klase, pagpasa ng plates, at pag-intindi sa mga lesson. Pinanghahawakan ko na lang na lagi raw late ang mga taong matatalino. Ang kaso, the converse is not necessarily true.

Minsan, hindi ko naman talaga sinasadyang maging late lalo tuwing mahaba ang pila sa jeep, tuwing lumiliko si manong driver sa gasoline station, o minsan tuwing napupuno ang kalye namin ng mga pulis at nakikiusyosong kapitbahay. Pero madalas, ako naman talaga ang mapagpasya, tulad ng lagi kong pagpupuyat para sa anime o series, paglalaro ng NBA, o simpleng pagtunganga nang tatlong oras.

Hindi nakaka-hipster ang procrastination. Talagang nakakapagod lang laging maghabol ng oras. Para bang paikut-ikot lang ang mga bagay sa paulit-ulit na tikatik ng bawat segundo sa orasan (oha, deep!).

Routine lang ang buhay, sabi nila, pero mas gusto kong isiping parang pendulum ang sa akin: ‘di bale nang hindi nagtatagal ang mga bola o “bob” sa “full swing,” basta mahaba ang panahon ng pagiging “chill” ng buhay ko at bob sa gitna.

Ito siguro ang dahilan kung bakit naitulak ko ang sarili ko na sumali sa Kulê. Anytime daw, pwede akong mag-exam, so tinitigan ko lang ang blue book ko buong umaga, nagpa-aircon sa opisina nila, at saka tinapos ang exam mag-aalas nuebe na ng gabi.

Kaya nang malaman kong ako na ang bagong pupuno sa espesyal na espasyong ito, nangako ako sa sarili kong aayusin ko na finally ang buhay ko (na by the way ay makailang beses ko na ring sinabi sa sarili ko). Tuwing new year pa nga, nire-recycle at ipinanreregalo ko lang sa iba ang mga planner na iniregalo lang din sa akin nu’ng nagdaang pasko (sorry, friends).

Pero hindi ako nag-procrastinate para sa draft na ito. Pinaghandaan ko namang maging kolumnista ng Kule, ‘no. Humingi pa nga ako ng tips kay Eula at Polo—na mga dating tambay din sa kolum na ito—kung paano pahahabain ang mga dapat ay 140-character rants lang sa Twitter, saka kung paano rin magtutunog contemplative, deep, at matalino.

Ang totoo niyan, sakit ang procrastination ng mga taong wala nang wil 2 liv at pinipilit na lang iraos ang mga bagay-bagay. Sakit ang procrastination ng mga taong umaasa na lang sa nasasaid nang adrenaline para magpatuloy pa sa buhay. At dahil kakaunti lang naman talaga ang mga bagay na worth all our fervor, mas mainam isiping ang pagiging late ay coping mechanism sa paulit-ulit na siklo ng buhay.

Alas nuebe. Kakaripas ako ng takbo patungo sa mga bagay na gusto ko talagang gawin.

The post Pendulum appeared first on Philippine Collegian.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 103

Trending Articles